I'm bringing my blog back

AHAHAHA... well wow... I've never posted anything in a while. Maraming drafts pero meh... I'll finish them later on. So, what's new with me? Ano na ba ang pinagagawa ko noong ako ay wala dito? Wala naman mashadong nangyare. I am just busy with work, hospital and school. Kahit na sobrang tamad... nag bi-busy busyhan pa ren ako. Well, ngayung ibabalik ko na ang blog ko... I will try something different. I'll practice magtagalog ng magtagalog ang to be as real as possible with my posts. Magaling kasi akong mangbitin. Lagot...

Ngayung nakaraang linggo nga pala ay reading week namen or a.k.a. spring break. Napaaga ang break dahil dapat sa marso pa ito. Wala pa ngang spring at malamig pa sa labas. Maninigas ka talaga sa labas habang umuulan ng yelo. Ang tamad ko talaga at walang ginawa buong linggo kundi manood ng movies. Bukas babalik na ulit sa school. parang ayoko na bumalik.

So... sa huwebes at biyernes, babalik nanaman ako sa hospital. Isusuot ko nanaman ang aking uniporme at maglalakad lakad na akala mo kung sinong mataas at may alam na nurse. Nakakapanibago talaga pero nasasanay na ren ako. Three weeks ago nga ay namatay ang aking pasyente pero wala ako sa hospital noong mga linggong yun. Buti na lang nga at wala ako duon at hinde ko nakita. Nakakatakot at nakakaawa ren yun. Kung ako tumanda... mas gugustuhin ko pa na mabilis or natutulog akong mawala sa mundo para hinde ko namamalayan. Nakakatakot talaga.

So in a couple of days... sigurado ako mas maayos na ipopost ko at may saysay. Medyo inaantok na kase ako ngayun at may pasok pa bukas ng maaga. Salamat nga pala kay Jhed sa aking bagong layout. Hanggang sa susunod mga tsong at tsang. Paalam!

Deo Gratias!

Posted by Kiro @ 11:20 p.m. | |

Kironobu



    Welcome to my Turf. I'm some dude living in Ontario Canada. Twenty two years old. RPN student. Asian movie addict. Self proclaimed artist. I joke around most of the time but people seems to take me seriously. Don't worry guys I'm harmless! ;p

    View My Profile

Twitter


follow kironobu at http://twitter.com

Now Playing

Archives

Previous Posts

Recent Readers

Credits