Heaven and Hell

Ako po ay i-tinag ni bulitas... oh akala nyo kayu lang nakakasulat ng ganyang kalalalim na story ha! LOL
Mekaniks:
1. magsusulat ako ng isang maigsing kwento at may itatag na mga tao.
2. itutuloy nila ang kwento sa kanilang blog nang hindi sinusulat ang naunang kwento.
3. mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.
Sa impyerno! Bakit mo ako inihagis at ibinalik sa impyerno?!? Nuong mga oras na iyon ay ninanais ko na ako'y nananaginip at muling magigising. Na sa aking pag mulat ay sasabihin mo sa akin na ayus ang lahat, na tapos na ang masamang panaginip at nandyan ka na sa aking tabi. Ngunit hindi... hindi ako magising. Parang sa bawat pagpilit ko na magising, ako'y lalong nahihimbing sa malalim na pagtulog.

TULONG!!! TULONG!!
Bakit ganito ang nangyayari sa akin?!?
Anu ba ito?

Nawalan ako ng malay. Hinde ko alam ang nangyari. Ako'y nagtataka at bigla kang nawala ng ako'y muling mamulat. Nasaan ka na? Iniwan mo na ako ditong magisa. Unti unti akong bumangon sa aking pagkakahiga. Medyo masakit sakit ang aking naramdaman pero hinde sa panglabas, mas masakit ang aking kalooban. Ako'y naglibot libot dito sa aking kinahulugan. Ano ba itong lugar na ito? Punong puno ng mga halaman at hayop na tila parang paraiso. Walang bahid!

Nawala ang aking galit at ito'y lumisan sa aking kalooban. Nakaraan pa ang mga araw at ako'y nasanay na sa aking kapaligiran. Hindi na kita maalala. Hindi ko na maihugis ang iyong larawan sa aking isipan. Para akong nabunutan ng tinik ng ako'y muling mamulat dito sa paraisong ito. Kaya ako'y nagpapasalamat at ako'y inihulog mo dito sa impyerno. Sa iyong impyerno! Dito ako'y natuto at namulat ang isipan. Ito ang iyong impyerno. Ngunit ang iyong impyerno ay ang aking langit.

Langit! Oo! langit ko ito!
Wag mo na akong guluhin dito.
Ayoko nang maalala ang nakaraan...

Sa aking pagmamasid sa lugar na pinagtapunan mo sa akin. Hindi ko pa rin maialis ang nakaraan. Ang ilang mga bagay dito ay nagpapaalala sa akin ng ating samahan. Langit ko nga ito dahil ika'y wala dito. Ngunit bakit hindi ka pa rin maalis sa aking isipan. Ang anino mo'y laging nasa aking tabi. Sa sobrang pagiisip ko sa ating nakaraan para akong bulag sa paraiso, na hinde man lang makita ang tunay nitong kagandahan. Sana ako'y mamulat at makita ko ang tunay na liwanag.

+++++

At ang aking i-tinatag ay si Rob, Beverly at Jhed.

Posted by Kiro @ 4:16 p.m. |

Kironobu



    Welcome to my Turf. I'm some dude living in Ontario Canada. Twenty two years old. RPN student. Asian movie addict. Self proclaimed artist. I joke around most of the time but people seems to take me seriously. Don't worry guys I'm harmless! ;p

    View My Profile

Twitter


follow kironobu at http://twitter.com

Now Playing

Archives

Previous Posts

Recent Readers

Credits