Newbies

Kamusta? Well... eto ako at di makatulog. So naisipan kong gawin na yung entry ngayun instead of bukas. Aantukin din ako nito kapag natapos ko na itong entry. Exams ko na this folling week. Kinakabahan at natatakot na ako! Sana pagdasal niyo naman na makapasa ako sa iskul.

Kanina nga pala ay pumasok ako sa iskwela dahil meron class na ginawa sila para sa bell ringer exam. Nagising naman ako ng maaga para pumasok but unfortunately ay matagal ang bus. Sabado nga pala kaya wala mashadong bus. Biruin mong isang oras pa akong magiintay sa lamig dahil na-miss ko yung isang bus. Nakarating naman ako sa iskwela ng maayos at nagputa sa lab. Wala naman palang kwenta at sana ay di na lang ako nag aksaya ng oras para pumunta doon. Binigay ko pa naman ang trabaho ko buong araw sa ibang tao.

Dumalo nga rin pala ako ng debut ng kaibigan naming magkapatid. Masaya naman ang party. Matagal ko na rin kase silang mga di nakikita at dahil karamihan sa kanila ay High School pa rin. Na-meet ko ang mga bagong pinoy sa iskwela. NEWBIES. Taga laguna at yung iba ay newbies na mga kapatid lang ng iba. Ayus naman sila... bagong bago... fresh na fresh... sa iskul at sa Canada. Naalala ko tuloy nung bago pa lang kame. Tanong ko lang ay bakit ang dati kong iskul ay di katulad nitong huling High School na napasukan ko. Buti na lang pala at napunta ako doon dahil asteg silang lahat.

Katulad ng sinabe ko masaya naman ang mga pangyayari. Yung isa pa nga ay nagpabili pa sa akin ng sigarilyo! Nagmuka nanaman tuloy akong inosenteng gago. At eto nga pala... ang saya pala ng feeling na parang ina amo ka nyahahha. Nandoon din kase ang "bf" ng kapatid ko at unang beses ko pa lang siya mami-meet. Di ko muna pinapansin at iniintay ko na sya ang lumapit. Noong lumapit naman at nagpakilala at nag shake hands kame... ang sabe nya ay "owwww" HAHAHAHAHAHA! Nasaktan ko pa yata agad. HAHAHA! It's hilarious. Tapos ayun wala lang... awkward... pero ayus lang.

Hay oh ayan! Tinatamaan na ako ng antok! Salamat at makakatulog na rin. Wala naman na ako mashadong nangyari. Di naman kailangan ipagsabe ko lahat ng detalye na nangyayare sa buhay ko kaya yan na lang muna. Good night!

Posted by Kiro @ 11:57 a.m. |

Kironobu



    Welcome to my Turf. I'm some dude living in Ontario Canada. Twenty two years old. RPN student. Asian movie addict. Self proclaimed artist. I joke around most of the time but people seems to take me seriously. Don't worry guys I'm harmless! ;p

    View My Profile

Twitter


follow kironobu at http://twitter.com

Now Playing

Archives

Previous Posts

Recent Readers

Credits